Sampung Hindi Karaniwang Ginagamit na Salitang Filipino; Kahulugan, Larawan, at Halimbawa nito sa pangungusap.
Hindi lingid sa ating kaalaman na maraming mga dayuhan ang nagnanais na matutunan ang ating sariling wika. Alam rin natin na sila’y nahihirapan bago matuto o makabigkas ng ating mga salita. Ngunit ang katotohanan ay maging tayong mga Pilipino ay may mga salitang hindi kayang bigkasin at hindi alam ang ibig sabihin ng mga ito.
Narinig nyo ba ang mga salitang pook sapot,duyog at anluwage?
Alam mo rin ba ang mga ibig sabihin nito? O kung tao bagay o hayop ang tinutukoy ng mga salitang ito?
Kung hindi pa, hindi ka nag iisa kaibigan dahil maging ako man ay hindi alam ang mga salitang ito.
Halina’t ako’y inyong samahan upang tuklasin ang ilang salitang Filipino na hindi karaniwang ginagamit. Maari mo itong ibahagi sa iyong mga kaibigan at kamag aral.
- Filipino word: Duyog
English translation: Eclipse
Kahulugan: Isang okasyon kung kailan ang araw ay mukhang ganap o bahagyang natatakpan ng isang madilim na bilog sapagkat ang buwan ay nasa pagitan ng araw at ng Daigdig natin.
Pangungusap: Marami ang namamangha sa duyog.
2. Filipino word: Sulatroniko
English translation: E-mail
Kahulugan: Isang sistema para sa pagpapadala ng mga mensahe mula sa isang kompyuter patungo sa isa pang ompyuter, mga mensahe na ipinapadala nang elektronikong mula sa isang kompyuter patungo sa isa pa.
Pangungusap: Ako’y nagpadala sa sulatroniko ng aking mensahe sa aking guro.
3. Filipino Word: Labaha
English translation: Razor
Kahulugan: Isang matalim na bagay na ginagamit sa paggupit at pang-ahit ng buhok.
Pangungusap: Ginamit ko ang Labaha sa cr upang ipang-ahit sa Aking balbas.
4. Filipino Word: Durungawan
English translation: Window
Kahulugan: Ito’y isang bukasan na madalas na makikita sa pader ng mga bahay at gusali. Ito ang nagsisilbing pasukan ng hangin at liwanag. Madalas ay gawa ito sa kahoy at kapis.
Pangungusap: Nakita ko sa aming Durungawan ang isang napaka gandang babae.
5. Filipino Word: Kansunsilyo
English translation: Boxer Shorts
Kahulugan: panlalaking pambaba na maisoot na nailalarawan sa pamamagitan ng maluwag na pambaba.
Pangungusap: Ginamit ko ang bagong biniling Kansunsilyo ng aking magulang
6. Filipino Word: Anluwage
English translation: Carpenter
Kahulugan: Isang manggagawa na nagtatayo o nag-aayos ng mga istrukturang kahoy o kanilang mga bahagi sa istruktura.
Pangungusap: Ihanap moko ng anluwageng kayang gumawa ng Lamesang pabilog para sa ating sala.
6. Filipino Word: Batlag
English translation: Car
Kahulugan: Isang sasakyang umaandar.
Pangungusap: Nabangga ang aming minamanehong batlag kaninang umaga.
7. Filipino Word: Kalupi
English translation: Wallet
Kahulugan: Isang bagay na nagsisilbing lalagyan ng pera at iba pang mahalagang bagay gaya ng mga I’d at atm cards.
Pangungusap: Nawala ng aking kaklase ang kanyang kalumpi noong isang araw.
8. Filipino Word: Sambat
English translation: Fork
Kahulugan: Isang karaniwang na ginagamit sa pagkain na karaniwang may tatlo o apat na matigas na metal na puntos na nakakabit sa isang hawakan.
Pangungusap: Mas madaling kumain kung may hawak na Sambat.
9. Filipino Word: Pulot-Gata
English translation: Honeymoon
Kahulugan: Ito ay isang kinaugaliang pagbabakasyon ng mga bagong-kasal upang ipagdiwang ang kanilang pagiisang-dibdib,
Pangungusap: Pagtapos nilang ikasal ay lumipad sila papuntang Paris para sa kanilang pulot-gata.
10. Filipino Word: Dupil
English translation: Amulet
Kahulugan: Ito ay isang amulet na nasasabing mayroong kapangyarin na makaligtas ng tao na kung sino ang may ari nito.
Pangungusap: Ginamit ni Juan ang dupil upang maligtas ang kaniyang Sarili sa kapahamakan.
Iyon lang, Ang Sampung Hindi Karaniwang Ginagamit na mga Salitang Filipino at Inaasahan natin na may matutunan tayo at balawang araw maging kapaki-pakinabang para sa’atin ang mga salitang ito, dahil tayong lahat ay pilipino kaya’t hindi natin dapat kalimutan kung ano ang naiwan sa atin ng mga ninuno.